Saturday, October 16, 2010

Typhoon Juan (Megi) Update #13

Typhoon Juan (Typhoon Megi) is now rapidly intensifying as it nears the Philippines. It has just been upgraded into Category 4 status with maximum sustained winds of as much as 230kph and gusts reaching up to 280kph. The emergence of an eye in the latest satellite images suggest that Typhoon Juan/Megi is now unergoing significant intensification. Juan is moving west northwest at 30kph. It is forecast to continue strengthening and now has a bigger chance of becoming a Category 5 Super Typhoon before making landfall. No changes with our forecast although we may have to increase our intensity forecast prior to landfall on Monday.

A recon mission is now flying into Typhoon Juan/Megi so we expect more detailed information in the next hours or so. Stay tuned with our in depth update around 2-3pm PhT.
__________________________________
Issued (21 UTC) 5am PhT 101710

2 comments:

  1. No offense, dude, pero ga'no ang alam mo sa teknolohiyang ginagamit ng PAGASA at kung papa'no ito ikukumpara sa JTWC o JMA? Medyo nakakairita lang na masyado mong nila-lambast ang PAGASA--pati ang sistema, atbp. Oo, alam nating huli ang PAGASA base sa teknolohiya at modernong kaalaman sa meteorology nguni't hindi mo naman siguro kailangang maging mapanlait sa isang institusyong pinipilit gawin ang kanilang trabaho--may pinag-aralan naman sila, at malamang higit ang nalalaman sa kung sino pa mang mga taong nagfo-forecast na bumabase lamang sa kung anong updates na inilalabas ng iba't ibang weather agencies. Iwasan lang sana nating maging mapanlait...

    ReplyDelete
  2. Hi! Thank you for taking the time to visit and comment, I highly appreciate it. I apologize for not replying promptly though.

    I want to address your sentence first about people who only base their forecasts on other agencies. I'm guessing you're referring to me. Yes i do base most of my forecasts on JTWC and JMA, as stated in the Disclaimer page. The latest coordinates,wind speeds, movement, pressure, etc are taken from these sources. However, with regards to forecasting, I always try to use my personal forecasting reasoning. Yes I do read JTWC's prognostic reasonings (which are really helpful btw) but I also look at different maps when making a forecast. Computer models are one of the basic things I look at. Sa ngayon, tumitingin ako ng 8 computer models para magkaroon ng idea sa forecast track (ie GFS, NOGAPS, COAMPS, UKMET, ECMWF, CMC, ETA, and HKO). Tinitignan ko rin ang mga forecasts ng iba ibang weather agencies upang malaman kung anu ang current consensus (ie JTWC, JMA, HKO, CMA, KMA, NOAA, at PAGASA). Tinitignan ko rin ang iba pang maps tulad ng steering winds, upper level maps, wind shear, vorticity, water vapor, infrared, etc. Nililinaw ko lang na di naman ako basta basta lang nagpopost ng mga forecast ng ibang agencies, kung gagawin ko ayun, sinayang ko lang ang oras ko kasi pwede nyo naman puntahan na lang ang mga websites nila.

    Anyway, moving on. I'm guessing that you've read the posts that i've made over at Storm2k.org. Una, wala akong masyadong alam sa forecasting process ng PAGASA. Pero nuong kasagsagan ni Juan, kitang kita ung discrepancy sa mga updates nila. Oo, matuwa tayo kasi ngayon hourly na ang updates nila, pero mas maganda kung talagang accurate ung data na nilalabas nila.

    At hindi ko rin ikinakaila ang dedikasyon ng mga tauhan ng PAGASA. Mabibilib ka sa kanila dahil sa kahit di masyadong modernong gamit eh pinipilit pa rin nilang magbigay ng weather forecasts sa public. Bilib din ako sa mga taong ilang dekada na ring nagtatrabaho dyan, kahit pa malaki ang sweldo sa abroad pinili pa rin nilang mag stay sa Pilipinas. Oo inaamin ko rin na kulang ang aking nalalaman with regard to weather. Maliit lang ang alam ko compared sa mga meteorologists ng PAGASA. Sinabi ko na sa iyo kanina kung paano ako gumagawa ng forecast at kitang kita naman na napaka basic lang ng process ko. Ang gusto kong sabihin eh hindi naman ung mga forecasters mismo ng PAGASA ang pinapatamaan ko.

    Ang ikinalulungkot ko lang ay ung kakulangan ng suporta ng gobyerno sa mga institusyon nito, kabilang na PAGASA. Kailangang kailangan natin ng mga kagamitan at kelangan ding maitaas ang sweldo upang di na maakit ang mga nagbabalak maging meteorologists na pumunta sa ibang bansa. Ang isa din sa mga ikinaka-dismaya ko ay ung mga iilang tao na nasa PAGASA na may pagka arogante pa rin. Kung nabasa mo ung news ngayon, may sinabi ung PAGASA head na sila lang daw ang naka forecat ng landfall sa Isabela, which is completely untrue. Kumbaga ang nangyayari eh dinadala nila ung bulok na sistema sa gobyerno natin duon sa loob ng institution. Di naman ako nagtrabaho sa PAGASA kaya wala akong idea kung sino in particular ang mga may ganyang mindset. At inuulit ko, hindi ko nilalahat.

    Matanong ko lang sana. Sinabi mo "masyado", anu ba ang ibig mong sabihin na masyado kong nilambast ang PAGASA??

    Maintindihan mo sana na hangad ko rin na gumanda ang kalidad ng serbisyo ng PAGASA. Sa totoo lang, nais kong makapagtrabaho dyan balang araw.

    Sa kasamaang palad, may mga pagkakataon na kitang kita ang pagkakamali ng PAGASA, lalo na nung during TY Juan. At dahil nga nasa forum ako (tayo) di maiwasang magkomento tungkol sa mga updates/forecast ng PAGASA. Iyun ay pawang mga kumento at obserbasyon lamang, kung nasaktan ka sa kung anu man iyung mga sinabi ko, eh pasensya na lang.

    Again, salamat at nagawa mong mag comment! Cheers!

    ReplyDelete